DISPLAYFUL
“this is called fun filming”
May 2009
June 2009
July 2009
August 2009
September 2009
October 2009
November 2009
December 2009
May 2010
June 2010
July 2010
December 2011
January 2012
July 2012
September 2012
November 2012
December 2012
ang madramang pagbabalik
Thursday, May 20, 2010 ||
2:57 AM
Maraming araw na ang nagdaan. Ilang beses ng sumikat at lumubog ang araw. Maraming oras na ang lumipas. Maraming tao na ang nagdaan sa harap ko,pati sa likod. Daan-daan ng mga alaala ang binalikan, mga palabas sa TV na nagsimula't nagwakas, maaaring happy ang ending o hindi, mga kantang nauso't nawala na sa panahon. Ngunit, gayunpaman, nananatili pa rin ang hilig ko sa pagsusulat. 'Yun lng nga, pag inaabutan ng katamaran at topak eh parang unti-unting naglalaho ang passion ko rito. Awa ng Diyos hindi naman niya binawi ang talentong ipinagkaloob Niya sa akin.
Sa nakaraang mga araw, marami-rami na rin ang pinagkaabalahan ko. Mula sa pabalik-balik na paggala at panonood ng mga hit na pelikula kasama ng mga kaibigan sa mall na matagal nang itinaguyod ni Henry Sy, pagtayo ng sarili kong patahian, pag-aaerobics sa saliw ng tugtog ng 97.5 Ok Fm, hanggang sa pagwiwindow shopping maghapon ay tila nagawa ko na yata nang walang kahirap-hirap. Pati pagpapawelding ng bibig ko ay pinatulan ko na rin. Ganyan lang talaga ang nagagawa ng kainipan dahil sa kawalan ng gagawin.
Teka teka! Maiba ako! Anong petsa na nga ba ngayon?? At tingnan niyo kung kailan ako humintong magblog? An tagal na! Kinukulit na nga ako ng ilang mga kaibigan ko eh. Bakit daw hndi na ako nagpopost. Bakit nga ba?? Hindi ko rin kasi alam eh. Di bale!
Ngayong bumalik na naman ako sa pagbblog, parang mga pahina ng aklat na isa-isang nililipad ng electric fan ang mga topics na gusto kong maisulat ang pilit na nakapagpapagulo sa isip ko. Hindi ko na alam kung ano ang uunahin, kung ano ang isusulat at alin ang hindi. Sana lang pagkatapos nito aymay maisulat pa ako. Goodluck na lang s'kin!
O siya siya! Marami pang kailangang pag-isipan! Sana naman huwag magbreak down ang utak ko sa walang humpay na agos ng mga ideya. Ipagdasal niyo na lang ako.
Ito na kaya ang simula ng isang bagong buhay? Isang pagbabalik na ba ito sa napag-iwanan kong hilig? Matapos kaya nito gugustuhin mo pang mabasa ang mga posts ko? Idaan na lang natin sa survey. Kung nagustuhan mo ang post na ito, just type LIKE o kung hindi naman, just type UNLIKE, at isend ito sa numerical value ng pi with 24 digits para sa lahat ng uri ng phone companies.
Hihintayin ko ang reply niyo ha!:))