DESCRIPTION instead of DEFINITION

a craftivity of my mind's thoughts
a synopsis of some special experiences
an aftermath of joys and struggles
and a piece of the world within me

the name is IVY
an unimportant fact

just take a look around
help yourself and enjoy :)


Silence is a scary sound


Explore. Discover.

My Multiply Veronica

Template by:Elle @ satellit- e.bs.com
Banners: reviviscent
Others: (1 | 2)


DISPLAYFUL
“this is called fun filming”
May 2009 June 2009 July 2009 August 2009 September 2009 October 2009 November 2009 December 2009 May 2010 June 2010 July 2010 December 2011 January 2012 July 2012 September 2012 November 2012 December 2012

it's passion, not position
Saturday, November 7, 2009 || 5:23 PM

Mahabang oras ang aming nilakbay patungong paraiso. Paraiso nga ba? Maaari - para sa mga diwata't enkantong dati ng nakatira doon. At para sa'min? Isa itong paglalakbay ng mga estranghero sa lupang ipinangako ng ating mga ninuno noong unang panahon.

Maputik ang daan pero nakaraos din naman. Nakasalubong namin ang mga katutubong sadyang may busilak na kaugalian - malayo sa mga taong pang-siyudad ang asal dala na rin ng makabagong panahon.

Pinatuloy nila kami sa kanilang tribo. Tinuruan kami ng mga gawing pangkatutubo. Kami nama'y nakisali sa kanilang mga gawain - kumanta ng 'Booga-booga' at nag-alay ng dasal para kay Anito.

Tanghalian na ngunit hindi basta-basta ang pagkain sa kanila. Kailangan nila itong pagtrabahuhan. Naglakbay kaming muli patungo sa gubat upang mangaso't pumitas ng mga prutas. Matagal at mahaba ang naging pakikipagsapalaran namin sa mga galang hayop na nagkalat sa gubat.

Nang nakabalik kami sa tribo, pinagpahinga muna ang pagod naming mga katawan. Sa isang kutsong may kumot mula sa balat ng tigre kami pinahiga. Naging masarap ang aming pagpapalipas oras.

Di nagtagal ay handa na ang aming pagkain. Nakamamangha! Parang isang piyesta ang nagaganap. Ang mesa ay napupuno ng mga sari-saring prutas, kakanin, lutong-bahay, at napapagitna ang isang malaking litson mula sa nahuli naming baboy-ramo. May sayawan at kantahan kaya naman tunay kang gaganahan sa pagkain. Masaya kaming nagsalu-salo. Masarap pala ang pagkain kapag pinaghirapan mo itong kunin.

Sa isang iglap ay nasimot ang laman ng mesa. Lahat ay nabusog kaya nagpasalamat ang lahat kay Anito.

Bumababa na ang araw. Parating na ang gabi. Kailangan na naming lisanin ang kanilang teritoryo. Subalit bago kami umalis, pinaunlakan nila kami ng isang sayaw, isang katutubong sayaw ng pagtanggap at pasasalamat. May mga regalo rin silang iniwan sa'min - mga mahahalagang bagay na kanilang nakuha mula sa pangangaso. Ibinalik namin ang kanilang kabaitan nang kami'y taos-pusong nagpasalamat.

Di matatawaran ang aming naging araw kasama ang mga katutubo. Naiiba sila. Hindi sila basta-basta. Nag-iba ang aking pananaw kaya naman hindi malabo na kami'y bumalik sa kanilang tribo. Kami'y babalik upang ipakilala ang kanilang natatanging kultura.

[Division Echo Leadership Seminar Workshop~November 6, 2oo9~Leon Q. Mercado High School~Urban Poor, Pacol, Naga City~attended by the division SSG officers. SUPERB!]