DESCRIPTION instead of DEFINITION

a craftivity of my mind's thoughts
a synopsis of some special experiences
an aftermath of joys and struggles
and a piece of the world within me

the name is IVY
an unimportant fact

just take a look around
help yourself and enjoy :)


Silence is a scary sound


Explore. Discover.

My Multiply Veronica

Template by:Elle @ satellit- e.bs.com
Banners: reviviscent
Others: (1 | 2)


DISPLAYFUL
“this is called fun filming”
May 2009 June 2009 July 2009 August 2009 September 2009 October 2009 November 2009 December 2009 May 2010 June 2010 July 2010 December 2011 January 2012 July 2012 September 2012 November 2012 December 2012

fruitful acts at pineapple st.
Saturday, October 24, 2009 || 11:49 PM

Maraming salamat naman at tapos na rin ang napakamadugong eksaminasyon. Ubos na kasi ang gasa namin sa bahay para mapigilan ang mabilis na pag-agos ng pulang likido na may hemoglobin, pula at puting white blood cells, at platelets.

Dahil nga tapos na ang paghihirap, mukhang magsisimula naman ang saya. Hayun si hershey, todo suporta sa Gabriela para sa paghahanda sa isang engrandeng selebrasyon ng grupo. Natural lang 'yun. Hindi kasi maiwanan ni hershey ang pangulo.

Sabi ni hershey pupunta raw kami sa bahay. Sabi ko naman, "Wow! Sana naman nagsabi kayo mga one day before or kahit man lng some hours before. Hindi 'yung mga 1 minute before." Pero biro lang 'yun. Kaya ko namang gawan ng paraan ang lahat para kay hershey.

Pero matagal pa bago kami nakaalis. Namomroblema pa kasi si hershey kung san siya kukuha ng bagong balde. Gagamitin niya raw 'yun para makaligo. Nasira kasing biglaan 'yung ginamit niya kanina lang. Hindi rin naman nagtagal, nakahanap na ng pondo si hershey para makabili ng bagong balde kaya diretso na kami sa bahay.

Nagkaroon ng last minute changes. Hindi na raw sa bahay namin pupunta. Sa kanila na lang daw. Sabi ko naman ayos lang. Kahit saan pwede na. At saka, hindi pa ako nakakapunta 'dun sa kanila. Pag dating namin sa bahay nina hershey, walang tao kaming naabutan. Solo namin ang bahay. Nanood kami ng "Isang Bala ka Lang" at "Tiyagong Akyat". Nagluto ako ng pansit para sa tanghalian. Pinagsabay namin ang panonood at pagkain. Di nagtagal, nagsawa na rin kami.

Pinagbalingan na lang namin ang sirang padyak nina hershey. Gusto kasi namin maglibot sa lugar nila. Joy ride ba. Matapos ang ilang oras ng pagkukumpuni, nakasakay na rin kami at nakapaglibot kina hershey.Maganda pala ang lugar sa kanila. Balak ko nga sana 'dun na rin ipatayo ang bahay ko kaso matagal-tagal pa 'yun.

Sa gitna ng lahat ng mga pangyayaring ito, mas natuwa kami sa pagkwekwentuhan. 'Yun naman talaga ang nakagawian ng magkakaibigan. Mas nagiging masaya at nagiging makabuluhan ang pagsasama namin kapag nagkwekwentuhan kami tungkol sa mga bagay-bagay na basta na lamang sumusulpot sa aming isipan. Hindi na rin 'dun maalis ang walang sawang tawanan.

Gagabi na. Bumababa na ang araw. Kailangan na naming umalis. Nagpaalam na kami kay hershey. Nagpasalamat na rin kami sa pagpapatuloy sa'min. Napakasaya ng naging bonding namin kina hershey. Nag-enjoy ang lahat lalung-lalo na ako. Bihira lang kasi ako makagawa ng ganoong klaseng mga bagay. Sana nga may part 2; kahit hanggang infinity para hindi na matapos ang kasiyahan; para huwag ng mag-exist ang kalungkutan.