DESCRIPTION instead of DEFINITION

a craftivity of my mind's thoughts
a synopsis of some special experiences
an aftermath of joys and struggles
and a piece of the world within me

the name is IVY
an unimportant fact

just take a look around
help yourself and enjoy :)


Silence is a scary sound


Explore. Discover.

My Multiply Veronica

Template by:Elle @ satellit- e.bs.com
Banners: reviviscent
Others: (1 | 2)


DISPLAYFUL
“this is called fun filming”
May 2009 June 2009 July 2009 August 2009 September 2009 October 2009 November 2009 December 2009 May 2010 June 2010 July 2010 December 2011 January 2012 July 2012 September 2012 November 2012 December 2012

five minutes to midnight
Saturday, October 3, 2009 || 5:52 AM

Masasabi ko lang, 'di na talaga matatawaran ang kapasawayan ko. Try me. Isa akong certified 'MALDITA'.

Maaga akong natulog kagabi. Wala lang. Inantok na kasi ako. Malamig at madilim pa naman. Ang sarap matulog. At yun na nga, natulog na daw pero hindi pa naman. Naku! Nanood pa ng 'Sydney White and the Seven Dorks' sa HBO (HBO ba yun?) starring Amanda Bynes and Matt Long (celebrity crush-able). Pagkatapos, natulugan pa ang TV. Maaksaya sa kuryente! Pasaway talaga!

May mga homework...ang dami nga eh. Pero hulaan niyo kung ano ang ginawa ng maldita. Hayun, buong umaga sa harapan ng computer kausap si Justin Bieber, o di kaya'y abalang nangangalap ng mga balita sa blog niya. Lanzones at papaya lang, kuntento na siya.

Mag-aalas tres na. Pupunta pa sa bahay ng classmate para mang-istorbo. Akalain niyo ba naman, nambulabog pa ng bahay ng may bahay. 'Di na talaga nahiya. Pero infairness, nabawi ang pagiging abusado kasi biglang nagsabog ng liwanag ang Mahal na Diyos. Sabay-sabay ang mga magkakaibigan papuntang simbahan. Ang maldita biglang naging anghel.:)

Ang paalam ko hanggang 7pm lang, pero hulaan niyo kung anong oras na ako umuwi. Hindi ko na sasabihin. Gusto ko hulaan niyo. Naglilihi kasi ang maldita kaya natagalan pa bago umuwi. Naghanap pa ng espesyal na bunga para sa hapunan niya. [ang arte!] Nagkahiwa-hiwalay na rin ang tatlo pauwi.

Heto ngayon ang maldita. 'Di pa rin natatapos ang kapasawayan. Patuloy pa rin sa paghahasik ng kasutilan. [haaii] Di bale, masaya naman siya. Pero siyempre, 'di pa rin mabubuo ang happiness niya kung purong kapasawayan ang paiiralin. Kaya simula ngayon, napagpasiyahan niyang magbebehave na siya para pure na'ng kasiyahan niya.:p

[May hinihintay ako. Sana dumating; sana dumating sa tamang oras. May gusto lang kasi ako malaman; isang sagot lang, matatahimik na ako...]