DISPLAYFUL
“this is called fun filming”
May 2009
June 2009
July 2009
August 2009
September 2009
October 2009
November 2009
December 2009
May 2010
June 2010
July 2010
December 2011
January 2012
July 2012
September 2012
November 2012
December 2012
dear maria
Sunday, October 25, 2009 ||
12:25 AM
"Ang sakit ng ulo ko! Hindi ko na kaya! Parang sasabog na!"
Sus, tulog lang pala ang kailangan. Paano kasi, nasobrahan sa tulog. Hindi kasi sanay. 'Yan tuloy.
Hai naku! Ang gulo na! Masakit na nga ang ulo, an dami pang iniisip. Damit na lang pinoproblema pa.tsktsk. Pasaway na bata talaga.
At alam niyo bang game na game pa 'tong isang to makiparty. Hayun, todo porma at todo sayaw pa. Di bale naman daw, kahit galing sa sakit, nag-enjoy naman daw siya.
Ang paalam niya bago mag-alas-nuebe, uuwi na raw siya pero alas-diyes na wala pa rin sa bahay. 11 na siya noong nakauwi. Kasi naman nakipagtsismisan pa. Hindi rin naman daw siya masisisi kasi VIP 'yung kausap niya tsaka once in a lifetime lang 'yun.
May isa pang problema, 'yung isang kaibigan niya nagtatampo sa kanya. Hindi raw kasi siya mareach. Hindi na rin makausap. Si pasaway naman, pasaway talaga. Hindi man lamang gumawa ng paraan para magkaintindihan sila ng kaibigan niya. 'Yan tuloy. Hindi pa rin sila magkausap ng maayos. Saan kaya sila hahantong?
Hai naku! Ang gulo na talaga. Kung pwede lang nga takasan ko na 'tong kaguluhang ito eh. Nakakalito na kasi. Nakadaragdag lang sa sakit ng ulo. Wish ko lang magkaroon na talaga ng world peace. 'Yun na lang kasi talaga ang kulang eh. Tingin ko, kapag may world peace na, matatahimik na ang lahat. Wala ng gyera, wala ng gulo. Walang ng makapagrereklamo. Wala na ring magiging problema.
Pagdating ng tamang panahon, sana nga: May we truly rest in PEACE.:)