DISPLAYFUL
“this is called fun filming”
May 2009
June 2009
July 2009
August 2009
September 2009
October 2009
November 2009
December 2009
May 2010
June 2010
July 2010
December 2011
January 2012
July 2012
September 2012
November 2012
December 2012
breakeven: the love story
Friday, October 9, 2009 ||
6:12 AM
Bakit kamo love story?? Hm. Ako rin nga, nagtatanong. Isang obserbasyon lang naman. Lately kasi nagiging mapagmatyag na ako sa paligid. At mula sa pangangalap ng sapat na impormasyon, nalaman kong marami talaga ang nababaliw sa pag-ibig, mapaliteral man o mapa-konotasyong kahulugan.
Kaya ngayon, mga tanong na lamang ang naiiwan sa aking isipan. Ano ang meron sa pag-ibig na siyang nagdudulot ng lahat ng kaguluhang ito?Bakit pag-ibig? Sino ang mastermind ng lahat ng ito? [i'm talking of romance]
Ilan lamang 'yan. Pero teka, bakit ko nga ba 'to sinusulat? Baka sabihin niyo dahil sa inlove na rin ako. Hindi naman sa ganon. Sadyang mapagmasid lang talaga ako sa mga panahon ngayon. Wala na kasing ibang mapaglibangan kaya pamasid-masid na lang.
Napansin ko kasi, bakit halos lahat ng awit, sikat man o hindi, ay napapatungkol lahat sa pag-ibig? Lalo na 'yung mga kantang pinatutugtog sa radyo o pinapalabas sa telebisyon. Kakaunti na lang ang mga kantang may ibang theme tulad ng mga awit para sa ating bayan, tungkol sa katapangan, sa pasasalamat, sa pananampalataya. Mabibilang lang nga siguro sa kamay ang mga ito kumpara sa mga love songs na katumbas na ng ilang songbook ang dami.
Pangalawa, bakit patok na patok sa masa ang mga pelikulang romansa?; gaya na lang nga mga pelikula ni John Lloyd at Bea, Sam at Anne, Gerald at Kim, at ng kung sinu-sino pang mga love teams, na kung tutuusi'y hindi naman sila real-life sweethearts, kung oo man, naghihiwalay naman pagtagal.
Pangatlo, bakit pag-love ang pinag-uusapan, maraming nakikinig, maraming usyusera? Kapag pag-ibig ang nagiging topic, maraming interesado. Kumbaga, parang lahat sila, nakakarelate; kinikilig pa nga. Bakit pag math o physics ang lesson, walang participants? Mas interesting pa nga 'yun kung tutuusin kasi marami silang mapupulot na learning na maaaring iapply sa reality. Eh ang love...hmmm...'di ko lang alam kung kailangan pa ba 'yun pag-aralan.
At pang-apat, bakit mas matindi ang naidudulot na epekto ng pag-ibig sa isang tao? Anong meron 'to? May nababaliw, may nagpapakamatay, at may sobra kung mag-emo dahil lang sa binusted ng nililigawan, dahil nakalimutan ng anniverasary, o dahil sa matinding pagseselos. Parang napaka-ironic naman yata. Bakit walang nagpapakamatay over a failed exam? o kapag hindi nakapasa ng project?
Alam ko, mahalaga ang pag-ibig, pero hindi rin naman nangangahulugang pabayaan mo na 'yung mga bagay na kung tutuusi'y mas mahalaga kaysa pag-ibig. May oras para diyan. Palagi namang may tamang panahon. Kailangan lang talagang maghintay. Sabi nga natin, in God's time.
Ngayon, kung sakali mang may eksperto diyan o kahit na ordinaryong tao lamang na maaaring makasagot sa mga tanong kong ito, I would really appreciate talaga. Encouraged din ang iba na magbigay ng ilang comments para naman mapalawak pa natin ang ating usapan.
So, what do you think?