DISPLAYFUL
“this is called fun filming”
May 2009
June 2009
July 2009
August 2009
September 2009
October 2009
November 2009
December 2009
May 2010
June 2010
July 2010
December 2011
January 2012
July 2012
September 2012
November 2012
December 2012
nahulog na'ng mga ulap, buwan, araw, at bituin
Friday, September 11, 2009 ||
1:29 AM
9/8/o9
birthday ni ITLOG na PULA! sabay sila ni mama Mary. pero mukhang hindi man lamang siya naimpluwensyahan ng katahimikan nito. hha. biro lamang. at least, masasabi kong mabait naman si itlog na pula at saka may kahinhinan rin kaya pwede na. Maligayang Kaarawan ulit sa'yo!
9/9/o9
Hindi dahil pare-pareho ang numero ng petsa ngayon, may kakaiba nang penomenon ang mangyayari. Naging normal lang naman ang lahat, kaya nga medyo nakakabagot na kasi paulit-ulit lang naman ang mga kaganapan bawat araw eh. Hindi ko naman hinihiling na sana'y may mangyaring kakaiba. Baka kasi matrauma ako bigla. Sana lang maging kapana-panabik ang bawat araw ko. Ngunit paano naman kaya 'yun?*tsk*
Pumunta rin kami sa isang 'napakalayong' lugar - mga 1 kilometrong layo mula sa paaralan. Napagod nga kami sa biyahe eh. Doon kami nag-ensayo - ensayo na nauwi sa wala. Malapit na kasi ang paligsahan, at malaki ang inaasahan sa grupo kaya todo praktis naman kaming lahat. Medyo naging magulo. Kasi naman, hindi maayos-ayos ang sayaw. Wala pa yung trainor naming 'gwapo'.hai. Lagot! Ito na kaya ang sinasabing kapana-panabik? hha. Pero di bale, nandyan naman si Bro.
9/1o/o9
Kaarawan naman ngayon ng pangulo! Hindi ni GMA kundi ng pangulo ng Slytherin - kaarawan ngayon ni SHEILA. Napaka-thoughtful talaga ng aming grupo. Nagtanghalian kami nang sabay-sabay sa silid para ipagdiwang ang kaarawan ng pinuno ng klase. Nakakatouch. Ganyan kasi talaga kami. Mahal namin ang isa't isa.;)
Nag-ensayo ulit kami doon sa malayong lugar na kabababanggit ko lamang. Ngunit, sa kasamaang palad, biglang bumuhos ang malakas na ulan, kaya naman mahigit isang oras kaming nakasilong. Sinamahan pa kami ng mga makukulit na bata. (pasaway!) Sa mga panahon ring iyon ako nakakita ng isang 'artipisyal' na ibong lumilipad. Nakakaaliw! Parang bumalik tuloy ako sa pagkabata.:p
Matapos ang ulan, nag-ensayo na rin kami. Kahit may dramahan, naging maayos naman ang praktis kasi nandyan na ang gwapong trainor namin. Yun nga lang, marami na naman ang nainis. hhe. Gabi na rin kami noong nakauwi. Pinaiwan pa yung mga nagtatambol. Mas kailangan kasi nila ang ensayo. Nanatili pa ring malamig ang hangin at maulap ang kalangitan sa mga oras na iyon, kaya abot tenga na naman ang ngiti ko:]
9/11/o9
Ngayon ang kapyestahan ni Nuestra Senora de Penafrancia. Maulan. Gusto ko sanang sumama dahil sa tanang buhay ko, hindi pa ako nakakapagprosesyon kasama si Ina. Hindi ko naman alam kung bakit napili ko pang magmukmok dito sa bahay - sarap na sarap kumain ng Del Monte Pineapple Chunks at painom-inom pa ng Nestea Real Leaf Green Tea. hai. Sana ligtas ang lahat ng deboto ni Ina. Ang lakas kasi ng hangin at ulan. Mahirap na magkasakit sa mga panahong ito. Pero kahit magkagayon, alam kong may isang taong tuwang-tuwa sa araw na ito. Ito kasi ang araw na pinakahihintay niya sa buong taon. Kung mababasa mo ito, kumusta naman ang iyong panata? (Alam mo na kung sino ka.) hha.
Viva La Virgen! Viva El Divino Rostro! Happy Fiesta!