DESCRIPTION instead of DEFINITION

a craftivity of my mind's thoughts
a synopsis of some special experiences
an aftermath of joys and struggles
and a piece of the world within me

the name is IVY
an unimportant fact

just take a look around
help yourself and enjoy :)


Silence is a scary sound


Explore. Discover.

My Multiply Veronica

Template by:Elle @ satellit- e.bs.com
Banners: reviviscent
Others: (1 | 2)


DISPLAYFUL
“this is called fun filming”
May 2009 June 2009 July 2009 August 2009 September 2009 October 2009 November 2009 December 2009 May 2010 June 2010 July 2010 December 2011 January 2012 July 2012 September 2012 November 2012 December 2012

i'll meet you there
Thursday, August 27, 2009 || 6:58 AM

I'll have to agree. I LOVE the rain too!

[kahapon hanggang ngayon]

Ano nga ginawa ko kahapon? [hmmm..] Ahhh! Actually, katatapos lang ng NCAE namin. Asking kung kumusta??hm. Aus naman. Average. Hindi kadalian at hindi rin naman kahirapan. (Pero hindi naman makakapasa!hha) Ipapasa-Diyos ko na lang ang lahat. Basta ang alam ko, ginawa ko ang best ko. Period!

Matapos noon, nagmukmok ako sa loob ng SG room. Wala kasing kasama kaya ayun, emo na naman. But not for long, kasi isa-isa ng nagsidatingan ang beloved friends ko. Masaya na naman ulit ang hapon ko! Naghihintay lang naman kaming pumatak ang alas singko sa orasan. Kailangan mag-ensayo para sa banda. AJA!(quoted from my BFFc;)

Alas siete na ng gabi nang matapos kami. Kapagod naman, pero masaya!weee!Na-eenjoy ko kasi ang panahon kapag nasa banda ako. Hindi ko alam kung bakit.;)

Bagsak na naman katawan ko sa kama. Parang isang sakong bigas yung nakadikit sa likod ko. Well, hindi ko nga naman masisi ang ibang tao sa backache ko. Eh, para na rin kasing isang sakong bigas ang dala-dala ko sa bigat ng school bag ko. Take note, everyday pa yan!:))

Nagpa-alarm ako. 12:30 ng umaga. Kailangan kasing magreview para sa isang pagsusulit - isang pagsusulit na hindi ko naman masyadong sineryoso these past days, kaya ngayon, gusto kong bumawi. At ayun na nga, natulog na ako - mahimbing ang aking pagtulog. Nang di inaasahan...WAAAHHH! 5:30 a.m. NA!(hha) Natawa na lamang ako sa sarili ko. Para akong earthworm. Hindi magkamayaw sa pagmamadali. Therefore, hindi ako nakapag-review. Pero sabi ko, ayos lang naman. Sa school na lang ako magbabasa. And it was so.

Hindi ako masyadong pressured ngayong araw. (Actually, matagal na) Hindi lang talaga magkatagpo ang landas ng Slytherin at ng mga subject teachers namin. Blessing in disguise ang tawag ko roon. Binigyan ako ni Lord ng oras para makapagreview. Thanks Bro!

Moment of truth. Matapos tumunog ang 5pm bell, madali kaming pumunta sa malamig na 'contest room'. Naabutan pa nga kami ng isang guro sa hindi-ko-malamang asignatura. Masyado siyang matanong. Nainis tuloy ako. But anyways, hindi siya ang topic. Dumating na ang quizmaster namin and after 15 minutes or so...Congratulations!May diploma na ako!Tapos na ako sa kursong BSP (Bachelor of Science in Population).

Hihintayin na lang namin ang resulta. Hindi na ako umaasa. Delikado na kung biglang mapahiya.

Na-miss ko bigla ang banda kaya dali-dali akong sumali sa practice. Unfortunately, hayun lang ako kumukopya ng mga notang hindi ko naman naiintindihan. Basta kopya lang ako nang kopya. Ma-gegets ko na rin yan...soon. Taliwas ito sa paniniwala ni Bantay. Inaway niya ako sa kalagitnaan ng aming ensayo. Nagtampo tuloy ako. Bad kasi siya. Kahit joke yun, masama pa rin sa loob. Wala kasing 'wafer' kaya naging ganun. Ang sama tlga.*HMP*

Malakas ang ulan ngayon kaya ang saya sa pakiramdam. Malamig at saka madilim pa. (awooo!hha)

Sumabay naman sa panahon si Mojojojo. Cold siya ngayon. Miss niya na raw kasi ang powerpuff girls. Iniisnob na raw kasi siya nung mga cute na superheroes. Eh hindi niya rin naman masisisi ang girls. They're busy rin naman trying to save the world.;)

Sa kasalukuyan naman, simultaneously, may nanyayaring gyera at larong 'figure it out'. Yung gyera, madugo, malala, malupit, marahas. Lahat na ng violent adjectives pwedeng iincorporate sa nasabing war of the worlds. Yung isa naman, naaaliw sa pagpapahula. Yung humuhula naman, masyadong nang nahihirapan pero ayaw pa ring sabihin nung nagpapahula kung ano yung pinapahulaan niya. Baka raw kasi bumaligtad ang mundo pag nagkataon.

HAAIII!. Hindi ko na alam sa mga taong ito. Nakakalito. Pagod pa naman ako sa mga sandaling ito. Para matapos na ang lahat, isa na lang masasabi ko. Lahat ng taong nabanggit at naextra sa mga pangyayaring nasa post na 'to, mahal ko. (Sus!naniwala naman kayo agad!:])
[Sure ako, lalabas na diyan yung mga taong sobra ang sensory nerves];p

*baker's dozen*[thirteen]